Tula – Agriwanderist PH

Likha ng sariling kaisipan. Isip na naguguluhan at marahil pusong nasasaktan. Sapagkat may mga salitang dumadaloy sa isip na hindi kayang bigyan ng boses.

HINDI KO NAMALAYAN

Hindi ko namalayan
Lumipas na ang maraming araw

Hindi ko namalayan
Nawala na ang sabik na nararamdaman

Hindi ko namalayan
Ako na pala yung bumitaw

Hindi ko namalayan
Hindi na pala ikaw ang aking mahal

_ _ _

ILUSYON

Sabi mo noon ako ang ‘yong gusto Ang ngayon at bukas nakaplano Ikaw at ako yung sinabi mong sigurado

Sa panalangin mo kasama pa nga yung tayo